Globalport Batang Pier nakuha ang solo third spot

Laro Ngayon
(University of San Agustin gym, Iloilo City)

5 p.m. Barangay Ginebra vs Meralco

NAGSAGAWA ng matinding ratsada sa ikalawang yugto ang Globalport Batang Pier para matambakan ang NLEX Road Warriors, 110-96, at iuwi ang ikalimang panalo sa kanilang 2016-17 PBA Philippine Cup elimination round game Biyernes sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Gumawa si Terrence Romeo ng 32 puntos para pamunuan ang Batang Pier, na may limang manlalaro na umiskor ng double figures.

Si Stanley Pringle ay nagdagdag ng 20 puntos, si JR Quiñahan ay nag-ambag ng 18 puntos, si Philip Paredes ay kumana ng 13 puntos at si Von Pessumal ay may 10 puntos para sa Globalport, na umangat sa 5-3 kartada.

Pinangunahan ni Carlo Lastimosa ang NLEX sa itinalang 19 puntos habang sina Sean Anthony at Kevin Alas ay may tig-16 puntos.

Read more...