HULA hoop: Hindi na pala dapat pagtakhan kung sablay man sa kanyang married life ang isang sikat na morenong aktor.
Pangunahing linya naman ang pag-arte sa TV at pelikula ay kung bakit pinasok pa niya ang larangan ng pambubugaw, not in the professional sense though.
Sa isang pribadong umpukan ay nakatabi namin ang isang may-edad pero matikas pa ring lalaki. Proud niyang ipinakita sa amin ang isang larawan sa kanyang cellphone taken with an actress (na may lahi) na minsan na pala nitong nakaniig.
Curious, we asked the still-desirable elderly guy kung paanong naikama niya minsan ang aktres.
Nagsilbi palang go-between ang tinutukoy naming aktor na una palang nakadyug sa half-half girlalu.
Hiwalay na ang aktor na ‘yon sa kanyang asawang aktres, na nakatagpo na rin ng ibang karelasyon na hiwalay na rin sa misis nito.