AYAW naming magmukhang sobrang nega dahil bet din naming makaiskor ng back-to-back win ang Philippines sa Miss Universe this year.
Pero, sa pagdagsa ng mga naggagandahang kandidata mula sa iba’t ibang bahagi ng mundo, mapapa-hayyyy ka na lang.
Tunay namang kay gaganda ng mga kandidata at mukha ring mga palaban gaya ni Maxine Medina na tila lagi na lang binu-boost ang morale at pinaniniwalang kayang-kaya niyang manalo gaya ni Pia Wurtzbach.
Well, bakit naman ang hindi di ba? Kontes naman yun at may kaniya-kanyang taste ang mga judges at siyempre may homecourt advantage na si Maxine dahil dito nga sa bansa gaganapin ang Miss U.
Siguro lang, hindi pa kami ganu’n kakumbinsido na kering-keri nga nating ipagsigawan sa buong universe na in case manalo si Maxine ay walang magdududang naluto ito. Ha-hahahaha!
Suwerteng-malas ngang matatawag si Maxine this early. All we can advise her is just to give us a good show and be the best sample of being a loving and beautiful Pinoy sa tunay na kahulugan nito.
Pero sana naman, tantanan na ang mga pralalang dyosang-dyosa siya sa sobrang kagandahan at wala nang mas tatalino pa sa kanya. Hayyyy! Baka kasi ‘yan pa ang ikatalo ng mahal nating kandidata.