ISSUE para sa basher ni Alden Richards ang paulit-ulit na pagbanggit ng actor sa kanyang namayapang ina.
“20 yrs ka ng patay di pa maka move on kng anak mo kc naghirap dahil sayo. Maiiyak ka for sure,” say ng isang basher.
“Of course not! haha ikaw gusto mo ba pag namatay ka gamitin ka ng anak mo pangkabuhayan showcase?” say naman ng isa pang basher ni Alden.
To the defense naman ang malapit na naming maging kumare na si cutenessAvie who said, “Hoy Mtards! Wala na kayo doon kung araw araw banggitin ni Alden ang mama niya noh! Mama niya yun, di niyo naman mama yun.”
“Ikaw yung taong walang puso at kaluluwa. Kaya di mo yun alam. At wala ka na doon kung banggitin ni Alden mama niya ng 1million times,” dagdag pa niya.
Oo nga naman. Kilalang mabuting anak si Alden kaya naman siya pinagpapala. Ang lahat ng mabubuti sa kanilang ina ay tiyak pagpapalain, ‘yan ang nangyayari kay Alden, ‘no!