PATI ang ilan sa kanyang mga kasamahan sa partylist na kanilang kinaaaniban ay hindi pabor na mabigyan ng pwesto sa kasalukuyang pamahalaan ang isang dating mambabatas.
Bukod kasi sa walang dating sa masa ay may kakambal na kayabangan ang ating bida.
Ayon sa ating Cricket, paanong haharap si Sir sa mga ordinaryong tao kung siya mismo ay hindi maka-relate sa mga ito?
Kaya lang umano siya naging kinatawan sa Kamara ng kanilang grupo ay dahil sa impluwensya ng pamilya nito at idagdag pa ang malaking kontribusyon na kanilang pinakawalan sa mga nakalipas na halalan.
Bagaman mulat sa iba’t ibang mga larangan na sangkot ang karapatan ng mga ordinaryong mamamayan ay hindi naman nawala ang kayabangan sa kanyang katawan.
Ilang mga kagrupo sa ilang mga organisasyon na kanilang itinayo ang ginawa niyang girlfriend noong siya’y bata pa.
Nang matapos ang ilang term sa Kamara ay pinalitan na siya ng ibang kasamahan sa partylist pero hindi dito natapos ang kayabangan ni Sir.
Madalas niyang ikumpara ang kanyang mga achievements kuno noong siya pa ang kinatawan ng kanilang grupo sa Kamara.
Natural
Kilala rin sa pagiging ma-epal ang ating bida lalo na sa mga isyu dati sa Kongreso kung saan kahit baluktot ang kanyang mga argumento ay ipinipilit niya ang mga ito.
Sa kanyang bagong posisyon sa pamahalaan ay kailangan na niyang baguhin ang kanyang estilo dahil siya na ang magiging alter ego ng pangulo sa mga ordinaryong tao.
Dapat din siyang matutong manamit nang tama hindi tulad noong araw na kahit nangangampanya sa mga squatters’ area ay nakasuot siya ng Amerikana.
Ang bagong appoint na opisyal ng pamahalaan na pinapayuhang bawasan ang kayabangan ay si Mr. T….as in Tiwala.