No balance billing policy

GUSTO ko po sanang ilapit sa kinauukulan ang tungkol sa sakit ng papa ko. Member po kami ng indigent family. Ang Philhealth po ng papa ko ay galing sa barangay. May bukol po sa paa ang papa ko.
Ang sabi ng doctor, cancer na raw po ito kaya dapat nang putulin ang kanyang paa. Su-balit ang sabi naman po ng isa pang doctor, ang puputulin daw po ay yung portion na may bukol at hindi ang buong paa. Ito po ang katanungan ko: Kung sakali man pong ma-operahan ang papa ko, pwede po ba siyang dalhin sa kahit saang ospital? Private man o public? May babayaran pa rin po ba kami kapag ginamit ang PhilHealth niya? Lubos ko pong pasasalamatan ang
inyong tulong.
Cristine dela Cruz
Brgy Ludlod,
Lipa City

REPLY: G./Bb.:

Pagbati mula sa Team PhilHealth!

Nais po naming ipabatid na ang mga aktibong indigent members ng PhilHealth at kanilang kwalipikadong dependents ay maaaring makapag-avail ng PhilHealth benefits sa mga pribado at pampublikong ospital na PhilHealth accredited.
Ang mga indigent members ay nabibilang sa “No Balance Billing Policy o NBB program” ng Philhealth na kung saan sila po ay wala nang babayaran kung ang pasyente po ay na-confine sa pampublikong ospital at ang kanilang doktor ay accredited ng PhilHealth.

For other concerns and further queries, you may e-mail us again or call our action center hotline at 441-7442.
For more information and other updates, please visit our website at www.philhealth.gov.ph
Thank you.
Warm regards,
CORPORATE
ACTION CENTER
Website: www.philhealth.gov.ph
Twitter: @teamphilhealth
Facebook: www.facebook.com/PhilHealth
Call Center: 441-7442
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog97@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream tv/channel/dziq.

Read more...