SINABI kahapon ng Palasyo na hindi na kailangang paimbestigahan ng Malacanang ang umano’y LeniLeaks, sa pagsasabing kumpiyansa ang gobyerno na hindi magtatagumpay ang anumang pagtatangkang mapatalsik si Pangulong Rodrigo Duterte sa puwesto.
Sa isang panayam, idinagdag ni Communications Assistang Secretary Ana Maria Banaag na dapat tanggapin ng mga grupong nais matanggal si Duterte bilang pangulo na malabo itong mangyari.
“We know naman na medyo at this point malabong mangyari iyan kasi nagtatrabaho ang ating Presidente. Malakas ang suporta ng ating mga kababayan sa kanya, so I don’t think that would really be something na kailangan pang — it would go for investigation,” ayon pa kay Banaag.
Nauna nang ibinuyag ni dating Interior secretary Rafael Alunan ang umano’y LeniLeaks na naglalayong mapatalsik si Duterte bilang presidente.