Upang madagdagan ng kita ang gobyerno ng hindi itinataas ang buwis sa produktong petrolyo, nais ng isang solon na itaas ng 10 hanggang 30 porsyento ang buwis sa ipinapataw sa pagpaparetoke.
Ayon kay Ako Bicol Rep. Rodel Batocabe hindi lahat ng mga Pilipino ay nagpapa-liposuction, facelift, nagpapagawa ng ilong at nagpapaganda ng labi kung ang mga taong may kakayanan lamang.
“If you want to be beautiful, then, pay for it,” ani Batocabe. “I therefore propose that we impose excise taxes on the cosmetic/beauty industry, a multi- billion industry which, if taxed, the sales of which will not be affected. Besides, a ten to thirty percent increase will not hurt our pockets if you want to stay young. At least, it will not affect the masses or other sectors,” ani Batocabe.
Plano ng gobyerno na ibaba ang buwis na binabayaran ng mga ordinaryong mangaggawa pero ang mawawalang P130 bilyon na kita ay babawiin naman sa pamamagitan ng pagtataas ng buwis sa produktong petrolyo kasama na ang diesel.
Ayon kay Batocabe hindi regulasyon sa buwis ang mga beauty industry ng bansa na tinatayang nagkakahalaga ng P200 bilyon.
“While the poor can avoid the use of beauty products, they however, cannot avoid using public transportation or purchasing basic commodities.” saad ng solon. “So why not impose the additional tax on an equally stable industry?”
Sinabi ni Batocabe na magiging malaking dagok sa mga mahihirap kung tataas ang pamasahe kaya dapat maghanap ng ibang pagkakakitaan ang gobyerno.
Maaari rin umanong itaas ang buwis sa pabango at cosmetic products para makadagdag.

MOST READ
LATEST STORIES