Globalport Batang Pier pinasadsad ang Meralco Bolts | Bandera

Globalport Batang Pier pinasadsad ang Meralco Bolts

Melvin Sarangay - , January 07, 2017 - 12:05 AM

Laro Ngayon
(Angeles University Foundation Gym, Angeles City)
5 p.m. NLEX vs TNT

SINIGURO ng Globalport Batang Pier na hindi na mauulit ang biglang pagdausdos sa laro matapos na daigin ang Meralco Bolts, 97-89, sa kanilang 2016-17 PBA Philippine Cup elimination round game Biyernes sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Nagtala si Terrence Romeo ng 27 puntos, 5 rebounds at 5 assists para pangunahan ang Batang Pier, na tinapos ang kanilang two-game losing skid para umangat sa 4-3 kartada.

Si Nino Canaleta ay nag-ambag ng 13 puntos habang sina Billy Mamaril at Mike Cortez ay nagdagdag ng tig-12 puntos at si JR Quinahan ay kumana ng 11 puntos para sa Globalport.

Gumawa si Reynel Hugnatan ng 23 puntos para pamunuan ang Bolts, na nahulog sa 3-5 record matapos malasap ang ikaapat na sunod na pagkatalo.

Si Jonathan Grey ay kumamada ng 18 puntos, si Chris Newsome ay nagdagdag ng 16 puntos  habang nag-ambag sina Cliff Hodge at Ed Daquioag ng tig-12 puntos para sa Meralco.

“We needed that win. We had a bad experience last game, we were ahead and weren’t able to keep our composure,” sabi ni coach Franz Pumaren, na tinutukoy ang 101-99 pagkatalo ng Globalport sa Phoenix Fuel Masters noong Disyembre 28 kung saan sinayang nila ang 26-puntos na kalamangan.

“Together, the players didn’t rush and they didn’t panic, they stuck to the game plan, played within system not like our last game. We did what we’re supposed to do.”

Nagawang itaguyod ng Globalport ang 16-puntos na bentahe, 44-28, sa ikalawang yugto bago pumutok si Grey matapos ang halftime break para makadikit ang Meralco, 72-71, sa pagtatapos ng ikatlong yugto.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending