Assist WELL para sa mga OFWs pinalakas

Pinalakas ang operasyon at serbisyo ng Assist WELL centers upang umagapay sa mga umuwing OFW kasama na ang mga nawalan ng trabaho bunsod ng krisis sa bansang kanilang pinapasukan.

Ang Assist WELL o ‘Welfare, Employment, Legal, and Livelihood’ ay ang programa ng ahensya na nagbibigay ng tulong sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs)

Pinalakas ang serbisyo ng ‘Assist WELL’ Processing Centers sa tatlong ahensiya ng Kagawaran at ng 17 regional office sa bansa upang makapagbigay ng mas maayos at komprehensibong tulong-pangkagalingan, trabaho, tulong-legal at pangkabuhayan para sa mga pauwing OFW

Ang Assist Well Processing Center ay pinamumunuan ng management committee na titiyak para sa maayos na koordinasyon at sistematikong pamamaraan ng pagbibigay ng tulong sa mga pauwing OFW.

Ito ay nagsisilbi sa panahon ng panga-ngailangan o sa normal na sitwasyon

Ang karagdagang pagbabago sa programang Assist WELL ay ang pagbubuo ng database para sa mga umuuwing OFWs mula sa Middle East Region.

Ang database ang magsisilbing talaan ng mga umuuwing OFW para sa mas mabilis na pagproseso ng tulong o serbisyo na kanilang nanaisin.

Ang mga libreng serbisyo na ibinibigay ng Center ay ang stress debriefing o counselling mula sa OWWA; local employment referral o job placement mula sa DOLE Bureau of Local Employment; overseas employment referral o placement mula sa POEA at sa mga regional center o extension office nito; tulong- pangkabuhayan mula sa OWWA at NRCO; tulong-legal o conciliation service mula sa POEA, DOLE regional office, at Regional Coordinating Council; at competency assessment at pagsasanay mula sa TESDA.

Tatlong Assist Well Processing Center sa National Capital Region ang itinatag ng DOLE.

Ang tatlo ay nasa Philippine Overseas Employment Administration (POEA), Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), at National Reintegration Center for OFWs (NRCO).

Tinitiyak ng Center na mabibigyan ng kumpletong serbisyo ang mga OFW sa pamamagitan ng sistematikong pamamaraan kung saan kanilang inaalam ang pangangailangan ng OFW at gabayan sila sa partikular na serbisyo na kanilang kailangan.
Labor Communications Office Department of Labor and Employment
Intramuros, Manila
Telephone Nos.: 5273000 local 621-627
Fax No.: 5273446

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog97@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream tv/channel/dziq.

Read more...