MAY ulat na maghahasik ng terorismo ang Maute Group sa Pista ng Itim na Nazareno sa Lunes.
Ito’y kinumpirma ni Interior Secretary Ismael Sueno.
“Well, ang threat alam n’yo naman, yung Maute Group at saka yung Abu Sayyaf ‘no, but mainly the Maute Group. They are connected to the ISIS,” ani Sueno.
Kung ang impormas-yon na yan na kinumpirma pa ni Sueno ay A-1, dapat ay ipagpaliban muna ang prusisyon.
Kapag binomba ang prusisyon, maraming mamamatay at masusugatan nang malubha dahil milyon-milyong mga deboto ang dumadalo sa taunang event.
The Duterte administration, citing the police power of the state, should disallow the huge procession from taking place.
Kahit na magiging kontrobersiyal ang utos na huwag ipagpatuloy ang prusisyon, the devotees will eventually realize that the government did it for their own safety.
Huwag na sanang maulit yung nangyari sa Ultra sa Pasig kung saan maraming namatay sa stampede sa isang live TV
Maraming tao ang namatay at nasugatan nang magtulakan at magtakbuhan ang mga nanonood sa isang open-air show.
Maraming natatanggap na reklamong rape ang aking programang “Isumbong mo kay Tulfo” sa radyo DWIZ (882 am).
Alam ba ninyo na karamihan sa mga nagsusumbong ay mga batang babay ae na ang ini-rereklamo ang kanilang sariling ama na nanghalay sa kanila.
Nakakapanindig balahibong isipin na ang iyong dugo ng iyong dugo at laman ng iyong laman ang siya mong uutasin.
Isa lang ang dahilan kung bakit ginahasa ng tatay ang kanyang anak, ayon sa reklamo sa “Isumbong”: Bangag sa shabu ang tatay.
Kung kaya ng tatay na gahasain ang kanyang anak na babae, hindi mangingimi na manggagahasa ito ng batang babae na di niya kadugo.
Dapat ay mawala na ang mga ito sa mundo.
Bakit iniwan ng mga pulis ang North Cotabato District Jail sa Kidapawan City gayong may intelligence report na ito’y sasalakayin ng mga rebeldeng Moro upang ilabas ang kanilang kasamahang nakakulong doon?
More than 150 detention prisoners ang nakatakas sa pag-atake sa Kidapawan district jail kung saan isa sa mga guwardiya ay pinatay.
Nang hindi naisagawa ang pagsalakay sa district jail ng mga araw na naiulat sa intelligence report, umalis na ang mga pulis, ayon sa Bureau of Jail Management and Penology.
Nagpapakita lamang na walang disiplina ang ating kapulisan.
Nagpapakita lamang na hindi maganda ang samahan ng BJMP at Philippine National Police (PNP).
Kung tutulog-tulog ang ating mga kapulisan, mas natutulog sa pansitan ang mga BJMP guards.
Masyado lang maporma ang mga BJMP guards, na pinapayagang magdala ng baril sa labas ng jail na kanilang ginaguwardiyahan.
Pero kapag sinalakay ang kanilang jail ay tumatakbo at nagtatago agad sila sa takot.
Ang pagsalakay sa Kidapawan jail kung saan nakatakas ang mga preso ay hindi kauna-unahang pagkakataon.
Nangyari na ito sa Lanao del Sur, Basilan at iba’t ibang lugar sa bansa.
Maraming mga preso ang nakatakas dahil sa pagsalakay ng mga rebelde upang ilabas ang kanilang kasamahan.