Mocha Uson planong tanggalin ang ‘soft porn’ sa mga teleserye

BATID ni Mocha Uson na mababa ang tingin sa kanya ng haters/bashers niya. Tumira silang muli nang ianunsyo ang appointment niya bilang bagong Board member ng MTRCB.
“Puwede pong magsilbi sa gobyerno kahit mababa ang tingin sa atin,” simula ni Mocha sa interview sa kanya sa isang radio program nu’ng Friday morning.
Ayon kay Mocha, nagtapos ng BS Medical Technology sa UST at nag-second year medicine proper sa nasabi ring unibersidad. Next week ay may orientation siya kay MTRCB Chair Atty. Toto Villareal.
“Doon ko po malalaman kung ano ang sakop ng pagiging Board Member ko.
“Pero ang akin pong misyon, isa sa aking personal na misyon, tulad ng inilagay kong estado sa Facebook, aalamin ko ang proseso kung paano matanggal ‘yung soft porn sa teleserye,” sabi ng singer.
Tanong ni Arnold, ano ba ‘yung tinatawag na soft porn sa teleserye?
“Bakit mayroong kabataan, mga sikat na loveteam na tinitingala ng kabataan, merong sexy scenes, garden sexy scenes, tapos sa ibang istasyon, living room sex scenes.
“Parang sabi nga ng ating netizens, hindi na natin kailangang bumili ng porn dahil sa kapapanood lang daw ng teleserye, parang ganoon din daw ang epekto,” rason ni Mocha.

Read more...