PDOS hindi dapat dedmahin

AKO po si Berna Velasco na nakatakdang umalis papuntang Jeddah this month para magtrabaho bilang domestic helper, sabi ng agency na inaplayan ko.

Pero ang sabi ng agency kailangan ko pa raw na umatend ng PDOS bago umalis. Ano po ba ang PDOS at kailangan po ba akong umatend pa nito?

May tatlo po akong anak at two years nang namatay ang aking asawa kaya naman nag decide ako na mag abroad kahit maliliit pa ang mga anak ko para maipagpatuloy nila ang kanilang pag aaral .

Dasal ko rin po na maging mabuti ang sitwasyon ko roon sa bansang pagtatrabahuhan ko at mabait sana ang aking amo.

Sana ay agad
ninyong masagot ang aking katanungan.

Berna Velasco
B-57 Kapitbahan , Bangus st.,
Navotas, M. M
REPLY: Para sa iyong katanungan Gng . Velasco, obligado ka na mag undergo ng Pre-Departure Orientation Seminar (PDOS) bilang preparation sa lugar na pupuntahan o pagtatrabahuhan mo.

Narito ang siyam bilin ng PDOS:

1. Isaisip ang gusto mong makamit sa iyong pagtatrabaho sa ibang bansa. Ito ang susi ng
iyong tagumpay.
2. Ihanda ang sarili sa trabahong haharapin sa labas ng bansa.
3. Mag-ipon. Ang katuparan ng iyong mga pangarap ay nakasalalay rito.
4. Buksan ang isipan ss bagong kaalaman at kasanayan. Ito ay mga hagdan sa tagumpay.
5. Tandaan ang iyong responsibilidad at karapatan. Ito ay gabay mo sa pagganap sa iyong tungkulin.
6. Makipag-ugnayan sa pamilyang naiwan. Panatilihing buo ang pamilya kahit malayo ka.
7. Umangkop sa kultura at batas ng bansang pupuntahan. Ito ay iyong magiging pansamantalang tirahan.
8. Pangalagaan ang kalusugan. Kailangan ang malusog na panga-ngatawan sa trabahong gagampanan.
9. Maghanda at magplano para sa iyong pagbabalik.
Advocacy and Social Marketing Division
(ASMD)
Overseas Workers Welfare Administration (OWWA)
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog97@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream tv/channel/dziq.

Read more...