“CHEERS everyone! Thank you so much for all the effort.”
‘Yan ang message ni Nadine Lustre sa kanyang post na “Most Beautiful In The Philippines.”
With that ay kaliwa’t kanang bash ang inabot ng dalaga, PRESUMABLY from the fans of Kathryn Bernardo who BERATED us on Twitter when they read an item kung saan batikos ang inabot ng idol nila when it landed as one of the 100 Most Beautiful in the World list.
When it got posted in one popular website ay puro hate messages ang inabot ng love ni James Reid. With seeming sarcasm, one fan asked, “Hahaha anong poll yan?”
“Some cheap FB poll called Starmometer. She was smart to not cite the source to make it look legit. Nadine reposting something that says she is the Most Beautiful, even if it’s just meant to thank the fans, is just too VAIN,” sagot ng isang guy.
“Hahaa oo most beautiful sa philippines si nadz bsta wag nio lang xa itabi sa tunay na magaganda ha,” say naman ng isa pang hater.
Payo naman ng isang fan, “Sana di na lang pinatulan ni Nadine. Medyo nakakahiya ng slight ang pag-post niya.”
To the rescue ang dalawang fans ni Nadine. One said, “Dahil sya yung nanalo sasabihin nyo fake yung poll. Pero kung idol nyo nanalo, maglulundag kayo sa tuwa! Stop the immaturity! Lahat naman sila magaganda– Kath, Liza, Nadine and Maine. Sana kayo din may gandang taglay kaso sa pag uugali nyo lumalabas mga insecure kayo.”
“Isa lang ibig sabihin, kaya hate nila lahat ng galawan ni Nadine kasi sapaw na ni Nadine na 2 taon lang sa showbiz, ang idol nilang chararat na may longevity daw. Ayaw daw ke Nadz, pero una pa sa JDs kung mag post ng comment,” wailed another.
Incidentally, nag-post si Nadine ng photo ng naka-two-piece bikini siya. Ang sexy pala ng hitad. Talbog ang katawan ng kanyang karibal sa popularity. Legs na lang ay panalong-panalo na siya.