Makakaliwa sa Duterte Cabinet di dapat magbitiw | Bandera

Makakaliwa sa Duterte Cabinet di dapat magbitiw

Jimmy Alcantara - January 03, 2017 - 10:50 AM

SUNTOK sa buwan ang mga panawagan na magbitiw sa kani-kanilang puwesto ang mga makakaliwang miyembro ng Kabinete ni Pangulong Duterte.

Kaya hindi dapat maniwala sa mga buyo ng iilan na dapat nang mag-alsa balutan sina Social Welfare Sec. Judy Taguiwalo, Agrarian Reform Sec. Rafael Mariano, Labor Sec. Silvestre Bello, dating Gabriela party-list Rep. at ngayon ay kalihim ng National Anti-Poverty Commission na si Liza Maza, ilang mga undersecretaries gaya nina Joel Maglungsod at Dale Cabrera at Cabinet Secretary Leoncio Evasco Jr. dahil tanging mga agendang pangkomunista lamang ang kanilang isinusulong.
Unang-una, nagsisilbi sila sa lahat ng mga Pilipino.
Halimbawa na lang ay ang ginawang pamimigay ng tulong ng DSWD sa mga nabiktima ng mga bagyong Butchoy noong Agosto hanggang sa bagyong Nina kamakailan. Umabot sa mahigit P400 milyon relief assistance ang ibinuhos ng kagawaran sa mga naapektuhang indibidwal at institusyon. Nabigyan din nito ng ayuda ang mga nasunugang pamilya sa Mandaluyong, mga biktima ng pambobomba sa Davao City, mga naapektuhang magsasaka ng El Nino sa Mindanao at ang mga Lumad na napagitna sa gera.
Samantala, sa pangunguna ni Mariano sa DAR ay nagsimula na ang dustribusyon ng 358 ektaryang lupaing sakahan sa Hacienda Luisita na pag-aari ng pamilya Cojuangco-Aquino sa 6, 296 benepisyaryo ng Comprehensive Agrarian Reform Law at ang pagbabalik ng 1,400 ektaryang lupang agrikultural sa mga benipisyaryong magsasaka sa Negros at Mindanao.
Ano naman ang naging silbi ni Bello sa DOLE? Aabot na sa mahigit 10,500 endo na manggagawa ang na-regular sa kanilang empleyo, umiksi na lamang sa 72 oras ang inaabot ng pakikipagtransaksyon ng mga kliyente sa nasabing kagawaran,  nagtayo ng mga one stop shops ang Philippine Overseas Employment Administration para sa mga nais magtrabaho sa abroad upang hindi na mahirapan ang mga ito sa pagkuha ng pasaporte at iba pang dokumento na kailangan sa ibang bansa at kasalukuyan nang nakalatag ang blueprint para sa paglikha ng trabaho para sa 7.2 milyong Pilipino hanggang sa 2016.
Ilan lamang ito sa mga halimbawa na ang agendang isinusulong nga mga makakaliwa sa Kabinete ni Duterte ay hindi lamang para sa kapakanan ng mga naniniwala sa kanilang ideolohiya kundi para sa buong sambayanan.
Kaya hindi dapat maniwala sa mga sitsit na dapat matakot ang mga Pinoy sa panganib na dala umano ng pamamayagpag ng mga nasabing opisyal.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending