Kathryn 2016 box-office queen; Daniel, Coco mag-aagawan sa box-office king

kathryn daniel vice at coco

ILANG araw na lang ang natitira para mapanood sa mga sinehan ang mga pelikulang kasali sa MMFF 2016. Of course, may ilang entries na extended habang ang iba naman ang mapu-pullout na sa mga sinehan.

But just the same, wala isa man sa walong entries ang masasabing sumira ng box-office record na nangyari for the longest time nu’ng mga nakaraang filmfest. So, safe na ang mga movies na kumita ng malaki sa 2016 like “Barcelona,” “Super Parental Guardians” at “Imagine You And Me”. Kumita ng humigit-kumulang P400 million ang “Barcelona” nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. So far, ito pa lang ang medyo dumikit sa kinita ng “Super Parental Guardians” nina Vice Ganda at Coco Martin na humakot ng mahigit P500 million sa takilya. Kumita naman ng mahigit P100 million ang “Imagine You And Me” ng AlDub loveteam.

With these figures, posibleng si Kathryn ang koronahan bilang Box-Office Queen ng 2016 habang mag-aagawan naman sina Coco at Daniel sa pagiging Box-Office King. Puwede rin namang masolo ito ni Daniel at ibigay kina Coco at Vice ang titulong Phenomenal Box-Office Stars ng 2016.

Ngayon pa lang, excited na ang fans ni Kathryn kung sakali ngang siya ang tanghaling Box-Office Queen. Mauungusan na naman niya ang iba pang sikat na leading ladies ng ibang loveteams gaya nina Maine Mendoza, Liza Soberano at Nadine Lustre.

Samantala, ayaw nang patulan ng kampo ni Kathyrn ang mga patutsada tungkol sa damit na isinusuot niya. Napakahusay daw kasi ng team ng stylist ni Kathryn para maapektuhan sila sa panlalait ng bashers.

Read more...