Serye nina James at Nadine tatapusin na; JaDine fans may hiling sa ABS-CBN

nadine lustre at james reid

MARAMING nalungkot na Kapamilya viewers nang kumalat ang balita na tatapusin na ang primetime series ng ABS-CBN na Till I Met You nina James Reid at Nadine Lustre.

Three weeks na lang mapapanood ang TIMY sa Primetime Bida, at posibleng ang reunion series nina Kim Chiu at Gerald Anderson na Ikaw Lang Ang Iibigin ang pumalit dito.

Ayon sa ilang netizens, parang unfair naman daw sa JaDine ang biglang pagtatapos ng TIMY, wala raw silang nakikitang dahilan para madaliin ang ending ng programa. Marami pa raw silang naiisip na twists and turns na pwedeng mangyari sa kuwento nina Basti (James) at Iris (Nadine).

Meron namang nagkomento na okay lang na tapusin na ang Till I Met You, pero sana raw ay gawin na ng ABS-CBN ang book 2 ng dating serye ng JaDine na On The Wings Of Love. Sey pa ng isang loyal follower nina James at Nadine, “Marami kaming umaasa na ibabalik ng Dreamscape ang OTWOL, we believe na buhay na buhay pa rin ang mga OTWOListas all over the universe!”

Samantala, sa darating na Biyernes magtatapos na ang serye nina Arci Munoz at Jericho Rosales na Magpahanggang Wakas, papalitan ito ng bagong serye nina Bea Alonzo at Ian Veneracion na A Love To Last na magsisimula na sa darating na Jan. 9 sa Primetime Bida.

Read more...