Pasuwerte pa more: B-day ni Alden unang pasabog ng ‘Bulaga’ sa 2017
MAAGANG dumating sa Broadway Centrum studio sina Alden Richards at Maine Mendoza para sa rehearsals ng gagawin nilang production numbers sa unang live episode ng Eat Bulaga for 2017 at sa celebration na rin ng 25th birthday ng nag-iisang Pambansang Bae.
Blow by blow ang account na ipinost ng followers ng dalawa sa social media mula sa suot na damit hanggang sa rehearsals ng AlDub, huh!
Dobleng tuwa ang nadarama ng AlDub Nation dahil alam nilang may dalang kilig na naman ang pagsasama ng mga idolo sa unang presentation ng Eat Bulaga for 2017.
Giba na naman ang mundo ng Twitter dahil maaga pa lang ay number one na ang official hashtag ng EB episode kahapon na #AldenAt25. Bumuhos ang pagbati mula sa fans ng dalawa mula rito hanggang sa ibang bansa.
May trivia pa nga na sa araw na ipinanganak si Alden, January 2, 1992 ay Thursday ‘yon. Eh Thursday palagi ang araw ng monthsary ng AlDub loveteam, di ba? Hindi rin nila nakalimutang pasalamatan ang Mommy Rio at Daddy Bae ni Alden sa pagsilang nila sa mundo kay Alden na napakabait na tao at may takot sa Diyos. Hinalukay pa nila ang pictures ng Pambansang Bae noong bata pa ito.
Ang message na ito ang type namin: “RJ: I asked for light, God gave me Sun. I asked for Water, God gave me Rain. I asked for Happiness, God Gave Me You.” Bongga, di ba?
Unang mga bumati kay Alden sina Allan K at Ai Ai delas Alas sa Instagram kahapon.
Sa live episode naman ng EB yesterday, nangako sina Alden at Maine na mas aalagaan nila ang isa’t isa at ang kanilang tambalan. Sabi pa ng binata kay Maine, “Kung anuman meron tayo ngayon, mas patatagin at mas palakasin pa natin ‘yun ngayong 2017. Aalagaan pa rin kita!”
After ng 25th birthday ni Alden, inaabangan na ang series nila ni Maine na Destined To Be Yours. Gibaan na naman sa ratings sa primetime ang magaganap sa pagsisimula ng DTBY sa GMA.
Anyway, happy, happy birthday, Alden!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.