Chinese president Xi Jinping nakiramay sa biktima ni ‘Nina’ | Bandera

Chinese president Xi Jinping nakiramay sa biktima ni ‘Nina’

- January 02, 2017 - 08:40 PM

nina

NAGPAABOT ng pakikiramay si Chinese President Xi Jinping sa Pilipinas dahil sa pinsalang idinulot ng bagyong Nina.

Aniya, lubos na nag-aalala ang kanyang gobyerno at mga mamamayan sa mga naapektuhan ng kalamidad.

Umaasa naman ang Chinese President na agad na makakabangon mula rito ang mga Pilipino sa ilalim ng administrasyong Duterte.

Ipinahayag din ni Xi na handang magbigay ng ayuda ang China.

Samantala, sa tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council kahapon, tatlong katao na ang namatay habang nawawala ang 21 iba pa dahil sa Bagyong Nina na nag-landfall sa bansa noong Pasko.

Nasa halos 2,000,000 katao naman ang naapektuhan ng kalamidad sa mga rehiyon ng CALABARZON, MIMAROPA, Bicol at Eastern Visayas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending