5 bagong sports ipapasok sa 29th SEA Games | Bandera

5 bagong sports ipapasok sa 29th SEA Games

Angelito Oredo - January 02, 2017 - 11:00 PM

DALAWANG sports na hindi nilalaro sa bansa na cricket at tarung derajat ang agad na magbibigay bentahe sa host na Malaysia hindi pa man sinisimulan ang 29th Southeast Asian Games.

Kabuuang 38 sports ang paglalabanan sa ika-29 edisyon ng SEA Games kabilang ang limang bagong saling sports na kinabibilangan ng kakaibang laro na bridge at tarung derajat.

Bagaman hindi kilala ang mga nasabing sports ay hindi na ikinagulat ng mga opisyales ng Philippine Olympic Committee (POC) at Philippine Sports Commission (PSC) ang pagkakasali ng mga ito dahil sa karapatan ng host na bansa na magsali ng kanilang ninanais paglabanan na disiplina.

Maliban sa bridge at tarung derajat na kabilang sa category three ay isasagawa rin sa unang pagkakataon sa kada dalawang taong torneo ang winter sports na ice hockey at ice skating pati na rin ang cricket na kabilang sa mga laro na nasa category two. Ang 35 iba pang sports ay kabilang naman sa Olympics at Asian Games.

Una nang nakilala sa bansa ang bridge kung saan nagawa ng mga manlalaro na makapagwagi sa una nitong paglahok sa Myanmar SEA Games habang hindi na rin napag-iiwanan ang Pilipinas sa ice skating dahil kay Winter Games veteran Michael Martinez pati na rin sa ice hockey.

Tanging ang cricket, na pambansang laro sa India at Pakistan, ang hindi pa naisasagawa sa bansa pati na ang tarung derajat. Wala rin na mga asosasyon na namamahala sa dalawang sports.

Samantala, patuloy naman na aapela ang mga responsableng national sports association na maibaling ang ilang inalis na event sa kababaihan tulad sa women’s boxing, billiards and snooker, sanda at weightlifting pati na rin ang walong events sa athletics.

Mula sa 38 sports ay paglalabanan ang kabuuang 405 events sa torneo na isasagawa simula Agosto 19 hanggang 31 matapos aprubahan ng Southeast Asian Games Federation noong Hulyo 14, 2016.

Ang mga sports kasama ang paglalabanang medalya ay binubuo ng aquatics: diving (13 medalya), swimming (40 medalya), synchronized swimming (5) at water polo (2); archery (10), athletics (46), badminton (7), basketball (2), billiards and snooker (7), bowling (11), boxing (6), cricket (3), cycling: BMX (2), road (5) at track (13); equestrian (7), fencing (6), field hockey (4), football (4), golf (4), gymnastics: artistic (12) at rhythmic (8); ice hockey (1), ice skating: figure skating (2) at short track speedskating (6); judo (6), karate (16), lawn bowls (8), muaythai (5), netball (1), pencak silat (20), petanque (7), rugby sevens (2), sailing (14), sepak takraw (10), shooting (14), squash (9), table tennis (7), taekwondo (16), tennis (5), triathlon (2), volleyball (2), waterskiing (11), weightlifting (5) at wushu (17).

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending