Aktres hindi na nakatiis sa kuripot na mister kaya nakipaghiwalay na

 

MADIING idinenay ng isang source ang pabalik-balik na lang na kuwentong hiwalay na ang isang aktres sa kanyang mister na pulitiko.

OA pa nga ang dating ng kuwento, umuwi na raw sa bahay ng kanyang ina ang aktres, samantalang wala naman palang bahay ang kanyang mommy dahil nakikitira lang ito sa isa niyang kamag-anak.

Pero bakit nga ba palaging nalalagay sa gitna ng pagdududa ang relasyon ng aktres at ng pulitiko? Ano ba ang meron sa kanilang relasyon na puwedeng maging ugat ng kanilang hiwalayan?

Kuwento ng kumokontrang source, “Kasi nga, wala pa rin silang anak hanggang ngayon. Kasi nga, mahigit na isang dekada na silang mag-asawa, pero hanggang ngayon, e, wala pa rin silang anak.

“Kasi rin, napabalita na kani-kanya pala sila ng pera. Ang kinikita ng girl, e, sa kanya lang, siya ang nagbabayad ng mga bills niya, hindi ang husband niyang super-yaman!

“Kasi nga, ang dami-daming nagkukuwento na hindi gusto ng family ng politician ang girl, kaya ayun, parang biyahero ang kuwento na paroon at parito!” madiing pagdedenay ng aming impormante.

Sa kabila ng mga ganu’ng paglilinaw ay marami pa ring mas naniniwala na tapos na ang kanilang relasyon, pagpapakitang-tao na lang kuno ang mga retratong inilalabas nila sa Instagram, palabas na lang kuno ang lahat ng ‘yun.

Sabi pa ng isang miron, “Hindi na raw kasi matiis ng girl ang pagiging kuripot ng husband niya. Naturingang milyonaryo, pero napakakuripot naman!

“May mga gusto raw bilhing stuff ang girl, pero walang pambili, lalo na kapag wala naman siyang work na natural, e, wala siyang kinikita!

“Naku, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, saan kayo, sa pula o sa puti? Katunog pa naman ng matamis na wine ang name ng girl na itey!” pagtatapos ng aming source na nakataas ang kilay sa 20th floor.

Read more...