Sulat mula kay Kathy ng Catbangen, San Fernando, La Union
Problema:
1. May boyfriend po ako sa ngayon ang problema may asawa na po siya. Pero sabi nya sa akin papakasalan nya daw ako kapag nag divorce na sila ng asawa nya at kapag nagkahiwalay na sila. At sabi nya pa sa akin handa daw siyang iwanan ang kanyang asawa para mag-sama na kami. Noong una ang akala ko ay binata siya, pero nang may nangyari na sa amin at naramdaman niyang mahal na mahal ko na siya, duon nya lang sa akin ipinagtapat na may asawa at pamilya na siya.
2. Ang tanong ko lang po ngayon Sir ay kahit kaya may asawa siya may pag-asa kayang kami pa rin ang magsasama habang buhay pagdating ng panahon? At tutuparin kaya niya ang kanyang pangako na na hihiwalayan niya ang kanyang asawa upang kami na daw ang magsama habang buhay. Kung hindi siya, may darating pa kayang ibang lalaki na papakasalan ako at makakasama ko habang buhay? October 13, 1991 ang birthday ko.
Umaasa,
Kathy ng La Union
Solusyon/Analaysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Libra (Illustration 2.) ang nagsasabing isang lalaking isinilang sa zodiac sign na Aquarius ang iyong makikilala sa susunod na buwan ng Enero sa taon ding 2017, kung saan, ang lalaking Aquarius na ito na isang binata ang iyong mapapangasawa at makakasama sa pagbuo ng isang maligaya at pang habang buhay ng pamilya.
Numerology:
Ang birth date mong 13 ay nagsasabing ang lalaking makakasama at mapapangasawa mo na binata, ay nakatakdang dumating tulad ng nasabi na sa 2017, na may birth date na 1, 10 o kaya’y 19.
Luscher Color Test:
Upang matupad ang nasabing pag-aanalisa sa itaas, ang makapag-asawa ka ng binata, lagi kang magsuot ng damit na kulay violet at red. Sa nasabing kulay ng damit, susuwertehin ka na sa pakikipag-relasyon at sa pag-ibig.
Huling payo at paalala:
Kathy ayon sa iyong kapalaran panahon na upang hiwalayan mo ang kasalukuyan mong ka-relasyon na lalaking may asawa na, upang pagsapit ng taong 2017, gumanda at maging maayos na ang iyong love life. Tulad ng nasabi na sa taong tinuran sa buwan ng Enero hanggang Pebrero, isang binata na Aquarius ang darating, na may initial na R.S. manliligaw siya sa iyo, sasagutin mo siya, hanggang sa tuluyan mo ng mapapangasawa at makakasama sa pagbuo ng isang maligaya at pang habang buhay na pamilya.
May asawa na ang BF (2)
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...