Si Congressman buong araw nagkulong sa kwarto ng BF

TAHIMIK na nagdiwang ng Pasko ang isang kongresista kasama ang kanyang kasintahan.

Sa oras ng Noche Buena ay kasama ni Cong ang kanyang mga kapatid at magulang sa kanilang mansion.

Pero pagkatapos nun ay kaagad na dumiretso ang mambabatas sa pad ng kanyang boyfriend na hindi kalayuan sa kanilang lugar.

Doon na inabot ng umaga ang ating bida, ayon sa kwento ng aking Cricket.

Galing sa sikat na angkan ng mga pulitiko si Cong kaya maingat siya sa paglalantad ng kanyang lovelife sa publiko.

Malaking iskandalo ito kung sakali dahil kapwa lalaki ang kanyang karelasyon.

Bagaman open secret na maituturing sa kanilang pamilya hindi pa handa ang mambabatas na maglantad ng kanyang kapa sa publiko.

Bukod sa respeto sa kanyang apelyido ay meron pang mas mataas na ambisyon ang ating bida pagdating sa pulitika.

Sinabi ng ating Cricket na masayang kasama si Cong dahil lagi itong handang makinig sa kwento ng kanyang mga kaibigan pati ng kanyang mga staff.

Pero madalas din siyang napipintasan dahil hindi ganoon kaganda ang kanyang performance bilang mambabatas.

Bata pa si Cong kaya inaasahan na kahit paano ay may nakuha ito sa mga naunang pulitiko sa kanilang pamilya lalo na sa paggawa ng batas pero tila wala ito sa dugo ng ating bida.

Bukod kasi sa pagiging miyembro ng silent majority ay halatang itinulak lamang siya ng kanyang angkan sa pulitika.

Ang kongreista na maghapong nagkulong sa kwarto noong araw ng Pasko kasama ang kanyang boyfriend ay si Mr. C…..as in Caldereta

Read more...