MARAMING motorista ang naaabala sa ginawang shortcut ng mga tricycle sa tulay sa Batasan-San Mateo Rd., sa Brgy. Batasan Hills.
Sa halip kasi na sa tamang U-turn slot sila umikot, tinibag nila ang center island.
Hindi na sila dumidiretso sa Brgy. Banaba sa San Mateo, Rizal kung saan mayroong u-turn slot.
Madalas kasi, trapik papasok sa San Mateo. Lumalagpas pa minsan sa tulay na bahagi ng Quezon City ang trapik.
Kaya naman ang mga tricycle ay nagka-counter flow. Sinasalubong nila ang mga sasakyan na patungong Quezon City na lubhang delikado sa mga pasahero.
Ang mga tricycle na hindi naman kaagad nakapag-counter flow ay naiipit na sa trapik.
Marami sa kanila ay pinaglalakad na lamang ang kanilang mga pasahero papuntang San Mateo. Mga 300 hanggang 400 metro rin siguro ang layo ng kanilang lalakarin.
Yung iba naman dati ay iniaakyat sa center island ang kanilang mga tricycle. Pilit nilang pinapaahon ang tricycle.
Upang hindi mahirapan, tinibag na nila ang bahagi ng center island. Instant u-turn ang kanilang ginawa.
Bukod sa iwas trapik (kahit na dagdag pasakit sa mga pasahero na hindi naman nila babawasan ang bayad), makakatipid pa sila sa gasolina.
Nagtaas nanaman ang presyo ng gasolina, ikatlo na ito ngayong buwan kaya kailangang magdagdag ng sipag ang mga tricycle driver para may maiuwi sa kanilang pamilya.
Andami pa namang tricycle sa Batasan Terminal kaya matagal sa pilahan ang mga tricycle bago makaalis.
Sa mahal pa at patuloy na pagmahal ng gasolina ay mas maraming pasahero ang dapat na maisakay ng mga trike driver para may maiuwi sa kanilang pamilya.
Baka mayroong nakasaksi sa isang vehicular accident na nangyari sa Quezon Ave., Quezon City noong Dis. 16.
Nananawagan po ang pamilya ni SP02 Ronnie Lopez na miyembro ng Manila Police District.
Nabangga si Lopez alas-2:05 ng umaga noong Disyembre 16 habang sakay ng motorsiklo sa Quezon Ave., galing sa EDSA at patungo sa Maynila.
Binangga ang motorsiklo ng isang puting kotse. Sa halip na huminto ay humarurot papalayo ang kotse na hindi naplakahan.
Si Lopez ay tinulungan ng MMDA Rescue Ambulance at dinala sa Capitol Medical Center. Malubha ang naging pinsala sa kanya ng aksidente.
Kung sana ay mayroong high resolution closed-circuit camera
Muli po kung mayroong nakasaksi at makapagbibigay ng linaw sa insidente ay huwag po kayong matakot na makipag-ugnayan sa otoridad. Kailangan po ng pamilya ang tulong ninyo.
Pamasko nyo na ho kay Lopez at kanyang pamilya.