Palasyo: Maging alerto sa pananalasa ni ‘Nina’

NANAWAGAN ang Palasyo sa mga mamamayan na manatiling alerto sa patuloy na pananalasa ng bagyong Nina matapos naman itong dumaan sa Batangas.

Kasabay nito, tiniyak ni Communications Secretary Martin Andanar na patuloy ang isinasagawang pagmomonitor ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa bagyong Nina.

” The DSWD has a total of 39,801 Family Food Packs (FFPs) on stock at its National Resource Operations Center (NROC); of which, 18,923 FFPs are available for allocation while the 20,878 FFPs are for delivery to different Field Offices,” sabi ni Andanar.

Pinayuhan din ni Andanar ang publiko na regular na kumuha ng ulat mula sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) at iba pang government website o social media account.

Read more...