Singer ng ‘Last Christmas’ na si George Michael pumanaw na

PUMANAW na sa edad na 53 ang pop singer na si George Michael.

Si Michael na dating miyembro ng grupong Wham noong 1980s, ang nagpasikat sa mga awiting “Last Christmas” at “Careless Whisper”.

Kinumpirma ng kaniyang publicist ang pagpanaw ng mang-aawit na namatay sa loob ng kanyang tahanan.

Bagaman hindi pa ibinibigay ang opisyal na pahayag tungkol sa dahilan nang kanyang pagkamatay, sinabi ng pulisya na wala silang nakikitang “suspicious circumstances” sa kaniyang pagpanaw.

Dalawang beses nagwagi ng Grammy Awards si Micahel kabilang na ang “Album of the Year” noong 1989 para sa album niyang “Faith”.

Si Michael ay na-ospital na noon dahil sa sakit na pneumonia.

 

Read more...