Lalo pang lumakas ang bagyong Nina habang papalapit sa Bicol Region at hanggang sa Metro Manila ay naglabas ng babala ang Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration.
Kahapon ng hapon ay itinaas ng PAGASA ang tropical cyclone warning signal no. 4 sa Catanduanes at Camarines Sur.
Signal no. 3 naman ang itinaas sa Burias Islands, Albay, Camarines Norte, katimugang bahagi ng Quezon, Sorsogon at Marinduque
Itinaas naman ang signal no. 2 sa Metro Manila, Masbate kasama ang Ticao Island, Oriental Mindoro, Batangas, Laguna, nalalabing bahagi ng Quezon kasama ang Polillo Island, Romblon, Cavite, Rizal, Bulacan at Northern Samar.
Signal no. 1 naman sa Pangasinan, Nueva Ecija, Aurora, Quirino, Nueva Vizcaya, Zambales, Pampanga, Tarlac, Occidental Mindoro kasama ang Lubang, Calamian Group of Islands, Bataan, Aklan, Capiz, Samar, Eastern Samar, Biliran, Leyte at Bantayan Island.
Kagabi inaasahan na magla-landfall ang bagyo sa Catanduanes. Tatawid ito sa Albay, Camarines Sur, Camarines Norte, katimugang bahagi ng Quezon, Laguna, Batangas at Cavite.
Ang bagyo ay magdadala ng pag-ulan sa loob ng 500 kilometrong radius mula sa sentro ng bagyo.
Inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility ang bagyo sa Disyembre 28.
Ang bagyo ay may hangin na umaabot sa 185 kilometro ang lakas at pabugsong 255 kilometro bawat oras.
Umuusad ito sa bilis na 15 kilometro bawat oras patungong kanluran.
30
Bagyong Nina lumakas pa
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...