Pangako ni Duterte sa Pasko: Mas ligtas at maginhawang Pinoy

rodrigo duterte

NANGAKO si Pangulong Rodrigo Duterte na magiging mas ligtas ang mga Pilipino sa ilalim ng kanyang panunungkulan matapos namang magbigay ng mensahe para sa Kapaskuhan.

“Ang pagiging bukas-palad lalo na sa mga nangangailangan at mahihirap ay ating higit pang pag-iibayuhin. Bilang Pangulo, titiyakin kong may pagkain sa bawat mesa; at makagagawa tayo ng mas marami pang trabaho upang maitaguyod ang mga pamilya at maging mas ligtas, masaya, at maginhawa ang bawat Pilipino, sabi ni Duterte.

Idinagdag ni Duterte na umaasa rin siyang magiging inspirasyon ang Pasko para makamit ang tunay na kapayapaan at kaginhawaan para sa buong sambayanan.

“Kasama ko ang lahat ng Kristiyanong nagdiriwang ngayong panahon ng Kapaskuhan. Habang tayo ay nagsasaya at nagtitipon-tipon, nawa ay mapagnilayan natin ang tunay na kahulugan ng kapanganakan ni Hesus. Ang kuwento ng pagsilang niya mahigit 2,000 taon na ang nakararaan ay panahon din ng kapayapaan,” ayon pa kay Duterte.
Sinabi pa ni Duterte na kapayapaan ang tunay na diwa ng Pasko, na siyang isa sa mga prayoridad ng ating pamahalaan.

Read more...