IN PHOTOS: Metro Manila Film Festival 2016

INABANGAN at dinayo rin ng mga tao ang “Parade of Stars”, ang simula ng Metro Manila Film Festival (MMFF) 2016, ngayong Biyernes, dalawang araw bago ang opisyal na pagpapalabas sa walong official film entries.

Naging bongga rin ang parada ng mga bituin na kalahok sa festival, habang sakay sila ng kani-kanilang float na umikot mula sa Manila City Hall at nagtapos naman sa Plaza Miranda sa Quiapo.  Dati-rati ang parada ay ginagawa sa roxas Boulevard.

Ang mga kalahok ngayong taon ay pinili ng bagong executive committee na ang sinusundan ay pawang mga bago ring criteria.  Ang walong opisyal na entries ay ang mga sumusunod: “Ang Babae sa Septic Tank 2,” “Die Beautiful,” “Kabisera,” “Oro,” “Saving Sally,” “Seklusyon,” “Sunday Beauty Queen” and “Vince & Kath & James.”

Ang cast ng pelikulang “Sunday Beauty Queen”. PHOTO: Bayani San Diego, INQUIRER

Si Paolo Ballesteros at ang bumubuo ng pelikulang “Die Beautiful”. Photo: Bayani San Diego, INQUIRER

 

 

 

Pinakilig naman nina Jericho Rosales and Eugene Domingo ng “Ang Babae sa Septic Tank 2 ” ang mga taong nakaabang sa parada. BAYANI SAN DIEGO. Inquirer

 

Ang cast ng ” Vince, Kath and James” PHOTO: INQUIRER

 

The stars of “Seklusyon”. BAYANI SAN DIEGO

Ang superstar na si Nora Aunor para sa pelikulang “Kabisera”. Bayani San Diego

 

Ang grupo ng pelikulang “Oro”.

Ang cast ng “Saving Sally”. BAYANI SAN DIEGO

Read more...