Proposal ni Billy kay Coleen inokray ng bashers, gaya-gaya kina Erwan at Anne

COLEEN GARCIA AT BILLY CRAWFORD

COLEEN GARCIA AT BILLY CRAWFORD

NAKAKATAWA ang hanash ng netizens sa engagement nina Coleen Garcia and Billy Crawford. May nagsabing gaya-gaya raw si Billy kay Erwan Heussaff.

“Sumabay pa sa announcement nila Erwan Heussaff and Anne Curtis,” said one fan sa isang popular website.

Ayun, nakuyog tuloy siya ng lait.

“Anung weird dun. so dapat ba patapusin mo muna ang kasal nila anne ant erwan bago magpropose si billy kay coleen? di ko makuha logic ng iba dito.”

“Akala nyo lang sabay. Erwan proposed to Anne last October but they kept it to themselves. But I just find Coleen young at she has a very promising career ahead of her. Still, goodluck sa kanila. Di naman tayo ang makikisama jan!”

“Mapipilit ba ang sarili at mapipigil kung bet mo ng magpropose sa jowa mo? Saka di naman magkaano-ano sina Billy at Anne bukod sa magkatrabaho sila so ano ang problema kung magkasunod silang na-engaged?

“So pag may kaopisina ka palang kasunod kang nagbirthday at naunang nagpaparty, di ka na pwede magpaparty din to give way sa kaopisina mong nauna sa’yo? Di ko magets ang logic bes.”

‘Yan ang aria ng netizens sa basher nina Billy and Coleen.

Parang ang bilis lang ng pangyayari. Tinanong si Coleen sa presscon ng “Extra Service” about engagement at sinabi niyang ang gusto niya ay simpleng proposal lang. Mahiyain kasi siya at ayaw niya ng malaking crowd kapag nag-propose si Billy.

Two days after the presscon, biglang nag-propose si Billy. Anyway, for sure ay happy ang Christmas nila dahil dadalhin ni Coleen si Billy sa Spain to meet her relatives there.

Read more...