Solenn Heussaff hindi tumataba kahit mahilig sa karne

SOLENN HEUSSAFF

SOLENN HEUSSAFF

NAKARANAS man ng Christmas sa ibang bansa ang Kapuso actresses na si Solenn Heussaff, mas feel pa rin niya na dito i-celebrate ang holidays.

Tuwang-tuwa siya sa maagang Christmas lights na ikinakabit sa bawat bahay ng mga Pinoy dahil nakaka-good vibes daw ito kapag tinitingnan niya.

“Three months to go pa lang parang Christmas na. Then, Christmas songs are being played on the radio. You really feel the joy and spirit,” saad ni Solenn.

Pagdating sa pagkain, ang kapatid niyang si Erwan Heussaff at ang Pinay mother niya ang nagluluto para sa kanilang Noche Buena.

Lagi raw may handa silang cheese, caviar at ham at ang huli ang siyang pinakapaborito niya.

Walang duda na sexy si Solenn. Pero hindi dahil ang pagkain ng vegetables ang sikreto ng pormado niyang katawan. Sa totoo lang, isang meat lover si Solenn, huh!

Kaya perfect endorser ang isa sa bida ng fantaseryeng Encantadia ng Holiday Ham ng CDO Premium. Buhay na buhay ang tiyan niya ngayon Pasko dahil sa Holiday Ham.

“I am happy to endorse a product that I believe in. I love bacon, tocino and ham pero sobrang mapilia ko ng brands. Gusto ko ‘yung real and authentic. I hate extenders,” rason ni Solenn.

Read more...