Aktres delikado ang karir, hinila pababa ng bagong ka-loveteam

BLIND ITEM FEMALE 0415

PARANG asong bumubuntut-buntot pala ngayon ang isang guwapong young actor sa isang magandang young actress. Kahit saan magpunta ang girl ay palaging bigla na lang umaapir ang young actor.

Natural, palaging nagugulat ang young actress, matagal na pala kasi niyang iniiwasan ang young actor na ipinangsasabong sa kanya ng mga bossing ng isang network pero hindi niya naman type.

Iba kuno ang type ng girl, isang kasamahan din nila sa istasyon, hindi ang young actor na lumundag sa kanilang network mula sa kabila.

Ayon sa aming source, “Matagal na niyang iniiwasan ang lalaking ‘yun, inililigaw niya kapag nagtatanong sa kanya kung saan siya pupunta. Itinatago niya ang mga lakad niya.

“Pero malakas ang pang-amoy ng guy, nasusundan pa rin siya kahit saan! Nu’ng minsang lumabas sila ng mga friends niya, hindi pa man nag-iinit ang puwet nila sa upuan, nandu’n na agad ang young actor!

“Matalas talaga ang pang-amoy niya, nalalaman niya kung nasaan ang girl na seryosohan na niyang nililigawan ngayon. Pero sorry na lang sa kanya, iba ang type ng girl, hindi siya!” kuwento ng aming impormante.

Wala raw naman kasing nagawang maganda para sa career niya ang young actor, walang naidagdag sa kinang ng bituin niya, kaya natatakot siyang mahila pababa nito.

“Kasi naman, akala ng young actor, e, mas madadala niya pataas ang name ng girl, pero baligtad ang nangyari. Parang spaghetti ang name ng girl na pababa nang pababa mula nang maging magkapareha na sila. Waley!

“Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, pabalikin n’yo na lang sa ex niya ang lalaking ‘yun! Mag-rap na lang siya nang mag-rap, baka may mangyari pa sa buhay at career niya!” pagtatapos ng aming source.

Read more...