Alden wais sa pera: Kailangang ayusin ko na ngayon ang future ng family ko!

alden richards

PURING-PURI ng mga kababayan nating OFW sa Hong Kong si Alden Richards.

Walang-wala raw kayabang-yabang ang Pambansang Bae, siya pa mismo ang lumalapit sa mga kababayan nating gustong makakamay at makahalik sa kanya, kaya ganu’n na lang ang pagmamahal nila sa guwapo at sikat na aktor.

Palagi namang ganu’n ang komento ng mga Pinoy sa kahit saang bansa magpunta si Alden, pinupuri siya, wala kang maririnig na negatibong komento tungkol kay Alden.

At hindi lang mabait-marespeto sa kanyang mga tagahanga ang aktor, modelo rin siya ng mga kabataan sa mahusay na paghawak ng kanyang mga pinaghihirapan, hindi waldas sa pera si Alden Richards.

Maganda ang kanyang katwiran, “Habang maganda po ang pasok ng mga biyaya, kailangang ingatan. Bumibili rin naman ako ng mga kailangan ko, pero mas priority ko ang family ko at ang kinabukasan nila.

“Kaya nagbi-business na ako, nakikisosyo ako sa mga businessman friends ko, para nakikita ko kung saan napupunta ang kinikita ko. Mas maganda nang ngayon pa lang, e, ayusin ko na ang future namin ng family ko,” sinserong komento ng guwapo at sikat na binatang aktor.

Tulog lang ang kanyang bisyo, malinis na malinis si Alden Richards, wala siyang panahon sa mga bagay-bagay na alam niyang makasisira sa kanyang katawan.

Magtatagal pa ang isang propesyonal na tulad ni Alden Richards, pero kung sakaling dumating na ang panahon na meron na siyang makakapalit ay nakahanda na siya, wala na siyang mahihiling pa dahil una na niyang binigyan ng atensiyon at prayoridad ang kanyang kinabukasan.

Read more...