Mga gamit ni Yeng best seller sa celebrity Christmas Bazaar

yeng constantino

SA ginanap Celebrity Bazaar ng Cornerstone Talent Management noong Sabado ay best seller ang mga gamit ni Yeng Constantino na pwedeng-pwede sa teenagers at mga dalaga na.

Ang Cornerstone na yata ang may pinakamaraming artists na nagsimula lang noon kay Sam Milby, pero ngayon ay nasa 67 artists na lahat and still counting.

Anyway, ang mga artistang nakisali sa Cornerstone Christmas Bazaar ay sina Alex Diaz, Jaya, Kyla, Erik Santos, Julia Montes, Angeline Quinto, Aaron Villaflor, Maricar Reyes-Poon, Yeng at Sam.

Sabi ng publicity manager ng Cornerstone na si Caress Caballero ay taun-taon na nilang gagawin ito simula ngayong 2016 na ang proceeds ay mapupunta sa charity.

Magandang ideya ito para sa supporters ng talents ng Cornerstone at maswerte ang mga nakabili ng mga gamit sa bazaar dahil hindi naman masyadong nagamit ang items na ibinenta.

Read more...