Pag-urong ng Star Cinema sa MMFF 2016 tsismis lang

joshua julia at ronnie

MARIING pinabulaanan ng Star Cinema na hindi na nila isasali ang entry nila sa Metro Manila Film Festival 2016 na “Vince & Kath & James” na pinagbibidahan nina Julia Barretto, Ronnie Alonte at Joshua Garcia, sa direksyon ni Ted Boborol.

Kahapon, kumalat ang balita nag-withdraw na ang film company ng ABS-CBN sa taunang filmfest dahil sa isyu ng pagbibigay ng 30% discount sa mga PWD, senior citizen at estudyante sa dalawang linggong pagpapalabas ng mga pelikulang kalahok.

“Contrary to rumors, Star Cinema is not withdrawing its entry ‘Vince & Kath & James’ from the 2016 Metro Manila Film Festival.

“Rest assured that we are committed to provide the best in entertainment to the Filipino family this Christmas season,” ayon pa sa official statement ng Star Cinema.

Read more...