Binatang anak ni JINGGOY seryoso na sa panliligaw kay JULIA BARRETTO

Nanliligaw pala si Julian Estrada sa anak nina Dennis Padilla at Marjorie Barretto na si Julia.

At hindi raw ito itinatago ng binatilyo. Ano naman ang masasabi rito ni Julia?

“Ha-hahaha! Sabi niya talaga (nanliligaw)?” humalakhak na sagot ng bagets.

At plano nga raw ipakilala ni Julian si Julia sa amang si Sen. Jinggoy Estrada.

“Sinabi niya (Julian) ‘yun?” nagulat na reaksyon ni Julia, “He’s a good guy, we’re good friends as in close kami kasi pareho kaming tao, alam mo ‘yun, we get along talaga, pero ewan ko ‘yung mga plans niya.

Siya ng bahala ro’n. Ha-hahaha!”

May basbas na ba ang magulang niyang magkipag-boyfriend? “’Yung boyfriend po, hindi ko ‘yun pinagkakaabalahan, hindi ‘yun ‘yung focus ko, pero ‘yung mga nanliligaw, okay lang naman, pero boyfriend, wala, gusto ko work muna.

“Pero siyempre in the future gusto ko, far future talaga.

But you can never tell talaga kung kailan, but right now ang focus ko is work,” say ni Julia.

Speaking of Cofradia, hindi raw siguradong si Julian ang leading man ni Julia na nasulat na at na-post na rin sa Facebook account ng show sabi mismo sa amin staff ng unit ni Deo T. Endrinal.

“Actually, wala akong ideya kung sino, surprise nga rin for me,” kaswal na sabi ng dalagita.

Hindi ba binanggit ni Julia na sana ang close friends na lan niyang sina Julian at Khalil Ramos ang maka-partner niya?

“Si Julian, I don’t mind working with Julian, I don’t mind working with Khalil or Jerome (Ponce) kasi ‘tong tatlong ‘to, I’m good friends with the three of them, masaya silang kasama, magagaling silang actors so kung sinuman ang ma-pair sa akin, okay lang.”

Sino ang top three na gustong maging leading men ng batang aktres? “Sige na nga, ang first sa list ko, Sam Milby, second Piolo (Pascual) and third John Lloyd (Cruz). Ha-hahaha!” tumawang sagot ng dalagita.

Pero hindi naniwala ang entertainment press dahil ang mga nabanggit na aktor ay pawang crush ni Julia.

Kaya muli siyang kinulit kung sino ang gusto niyang leading man. “Secret na lang ‘yun (kung sino ang gustong makatrabaho),” pakius na lang ni Julia.

Samantala, hindi pa rin daw buo ang casting ng Cofradia sabi ng staff ng Dreamscape at excited lang silang i-announce na si Julia na nga ang magiging bida sa nasabing fantaserye para malaman na ito ng lahat.

Read more...