JED SALANG natakot gantihan si AI AI, umurong sa paghaharap nila ni BOY ABUNDA

WALANG Jed Salang na sumipot sa The Buzz kahapon kaya’t nanlumo ang mga nag-aabang sa kanyang pagpapa-interbyu.

Huwebes ay nagpasabi raw si Jed na magpapa-interbyu sa The Buzz para naman maipagtanggol ang sarili kaya pinaghandaan ito ng mga bossing ng programa at in-assure na magiging balanse ang show sa paghawak sa issue.

Ang King of Talk Show na si Boy Abunda ang naatasang mag-interbyu kay Jed para fair and square.

Handang-handa na rin naming panoorin ang The Buzz kahapon para malaman ang panig ni Jed, pero nakatanggap kami ng tawag noong Sabado nang gabi, “Hindi tuloy ang interbyu ni Jed, umurong, walang bayag.

Hindi kayang humarap sa TV camera, natakot.

Nakakahiya. Nu’ng pina-follow up na, hindi na makontak, patay na ang cellphone.”

Hala, anong nangyari?  Bakit umuong?

Nanggulo lang ba siya para paasahin ang lahat?

Nakaramdam din ba siya ng ‘cold feet’ tulad ng ikasal sila ni Ms. A noong Abril 3 sa Las Vegas?

Sa hindi pagsipot ni Jed sa The Buzz kahapon ay mas mabuti sigurong manahimik na lang siya ng tuluyan at panindigan na niyang hindi na magpakita sa showbiz dahil nakilala lang naman siya ng husto ng maikabit ang pangalan niya kay Ai Ai.

Ayusin na lang niya ang mag-ina niya na plano niyang balikan pag naghiwalay sila ni Ai Ai.

 

 

Read more...