Sino ang makakatuluyan sa dalawang BF? (2) | Bandera

Sino ang makakatuluyan sa dalawang BF? (2)

Joseph Greenfield - December 20, 2016 - 12:05 AM

Sulat mula kay Pauline ng San Agustin, Libon, Albay
Problema:
1. Hindi nyo po naitatanong malungkot po ang buhay ko lalo na sa pag-ibig. Tatlong beses na po akong nagkaka-boyfriend, ang problema bakit kaya walang nagtatagal at ang laging natitira na lang sa akin ay luha at kalungkutan.
2. Lagi na lang nila akong iniiwan sa hindi ko malamang dahilan. Kaya nais ko po sanang malaman kung kalian kaya ako susuwertehin sa pag-ibig? September 8, 1992 ang birthday ko.
Umaasa,
Pauline ng Libon,  Albay
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Virgo (Illustration 2.) ang nagsasabing ang lalaking darating na ika-apat ang pang huling boyfriend mo na tuluyan mo na ring mapapangasawa ay isinilang sa zodiac sign na Taurus, na may kayumangging kulay ng balat at medyo maskulado ang pangangatawan, pero mabait at mapagmahal.
Numerology:
Ang birth date mong 8 ay nagsasabing suwerte ka sa ikat-apat na bilang (4) kaya nga ang pang-apat na boyfriend mo na isinilang sa petsang 7 o kaya’y 25 ang siya mo na ring makakatuluyan at makakasama sa pagbuo ng isang maligaya at pang habang buhay na relasyon.
Luscher Color Test:
Upang magtuloy-tuloy ang suwerte sa larangan ng pag-ibig, gumamit ka ng kulay na “apple green” o kaya’y kahit na anong kulay na “green”. Sa pamamagitan ng nasabing kulay, walang duda, susuwertehin ka na, hindi lamang sa pag-ibig kundi sa lahat ng aspeto ng iyong buhay.
Huling payo at paalala:
Pauline ayon sa iyong kapalaran, maging laging handa at maging listo ka dapat pagsapit ng susunod na taong 2017, dahil sa panahong iyon, “mahuhulog mula sa langit” ang ika-apat na lalaking magiging boyfriend mo na nagtataglay ng initial na R.R. at sa sandaling bigla siyang nahulog sa iyong harapan, wag ka ng umarte-arte pa, sunggaban mo agad, dahil sa nasabing panahon sa edad mong 24 pataas, siya na ang lalaking itinakda sa iyo ng kapalaran na makakasama mo sa pagbuo ng isang maligaya at pang habang buhay ng pamilya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending