Angat Dam magpapakalawa ng tubig bukas

Angat-Dam

INIHAYAG ng National Power Corporation (Napocor) na magpapakawala ito ng tubig sa Angat Dam matapos naman ang pagtaas ng tubig sa water reservior dahil sa patuloy na pag-ulan ngayong Disyembre.
Sinabi ng Napocor na umabot na sa 213.90 meters above sea level (masl) ang lebel ng tubig sa Angat Dam, lagpas sa normal high level nito na 212 masl.

Idinagdag ng Napacor na magpapalabas ng 68 cubic meters per second (cms) ng tubig simula alas-8 ng umaga bukas.
Tiniyak naman ng Napocor na hindi ito magdudulot ng mga pagbaha sa mga mababang lugar sa Bulacan.

Read more...