PINANGALANAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang isang dating kongresista at dalawang dating mayor na umano’y sangkot sa droga.
Sa kanyang talumpati sa Presidential Awards for Filipino Individuals and Organizations Overseas, muling ipinakita ni Duterte ang listahan ng mga personalidad na sangkot sa iligal na droga.
Kabilang sa kanyang binanggit ay si dating Iligan congressman Vicente Belmonte, dating Iligan mayor Lawrence Cruz at dating Lugait, Misamis Oriental mayor Wellie Lim.
Kasambay nito, muling pinaringgan ni Duterte si Sen. Leila de Lima matapos na tumanggap ng parangal sa New York sa kabila umano ng pagkakasangkot sa droga.
MOST READ
LATEST STORIES