Catriona Gray winner pa rin sa 2016 Miss World kahit tinalo ni Miss Puerto Rico | Bandera

Catriona Gray winner pa rin sa 2016 Miss World kahit tinalo ni Miss Puerto Rico

Jun Nardo - December 20, 2016 - 12:25 AM

catriona gray

BIGO mang maiuwi ni Catriona Grey ang korona ng Miss World 2016, marami namang humanga sa maganda niyang sagot sa final question and answer portion ng beauty pageant.

Pumasok sa Top 5 finalists si Catriona kaya para sa mga Pinoy ay winner na winner pa rin siya. Tinalo siya at ang iba pang kandidata ni Miss Puerto Rico Stephanie del Valle na siyang kinoronahang na Miss World 2016.

Sa totoo lang, hindi na puwedeng isnabin ang mga Pinay na kalahok sa alinmang international beauty contests dahil nakagawa na ng marka ang ating bansa – na kapag representative ng Philippines, beauty and brains ang panlaban, huh!

After Miss World, pagtutuunan naman ng buong mundo ang Miss Universe na gagawin sa ating bansa ngayong January, 2017.

Kung social media ang gagamiting desisyon sa mananalo, sure nang winner ang bet nating si Maxine Medina!

Yun nga lang, may judges pa ring mamimili kung sino ang tatanghaling pinakamaganda at pinakamatalinong babae sa buong universe.

Exciting ding abangan kung sinu-sino ang mga judges this year sa Miss Universe na darating sa bansa.

Anyway, bukod kay Catriona, nagningning din ang isa pang Pinay sa Miss World, ang Kapuso leading lady at ang first Miss World nating si Megan Young ang nagsilbing host sa grand coronation night ng nasabing beauty pageant.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending