GALIT na galit si Billy Crawford sa tsismis na nakikipag-flirt daw siya sa dating Pinoy Big Brother housemate na si Dawn Chang.
Ayon sa ilang netizens, napapansin daw nila na masyado nang nagiging malapit ang boyfriend ni Coleen Garcia kay Dawn. May mga malilisyosong fans ang magdyowa na nagsabing baka raw may nagaganap nang “something” sa pagitan nina Billy at Dawn dahil nga lagi raw magkadikit ang dalawa sa isang event na dinaluhan nila kamakailan.
Isa pang netizen ang nagpayo kay Coleen na mag-isip muna nang mabuti bago magpakasal kay Billy. Sabi pa ng fan ni Coleen, “Malandi naman talga iyang @billyjoecrawford, e. Alam naman ng lahat iyan. @coleengarcia please, wag kang magkamali na umoo sa kanya kung gusto na niyang magpakasal sa ‘yo.
“Kawawa ka lang. Ikaw palagi ang sinasabihan na ‘malandi’ pero di ka naman nali-link sa iba. Etong si Billy kahit di niya trabaho na ipares siya sa ibang babae e kusa namang lumalandi,” sey pa ng netizen.
Nakarating kay Billy ang mga negatibong komento ng social media followers ni Coleen kaya hindi niya napigilan ang rumesbak sa mga ito. Sa kanyang Instagram account inilabas ng TV host-comedian ang kanyang galit.
“For those who speak against me, please stop. Stop starting lies to ruin our happiness! You all have NO RIGHT to assume things about me.
“I am in the same spot on this show every day for the past five years. If it’s not someone, it’s someone else.
“The year is almost over and still you talk the same crap over and over again. ENOUGH IS ENOUGH! Worry about yourselves before others,” pahayag ni Billy.
Pagpapatuloy pa ni Billy, “I have respect for Coleen and myself so do not ruin other lives for your satisfaction! SOBRA NA KAYO EH!
“I am 34 yrs old and have no time for games!!! Lahat kayo #mema [me masabi] lang happy kayo! Tsk tsk. May God forgive you for all your sins cause I already do! Sad that the world we live in are full of haters and bashers. God will prevail not us.”
Samantala, may bago namang pelikula ngayon si Coleen, ang “Extra Service” under Star Cinema and Skylight Films under the direction of Chris Martinez. Showing na ito sa Jan. 11, 2017 kung saan makakasama rin sina Arci Muñoz, Jessy Mendiola, Ejay Falcon, ang bagong Kapamilya na si Enzo Pineda at Vin Abrenica.