MUKHANG may private joke nga sina Ejay Falcon at Arci Muñoz tungkol kay Ellen Adarna.
Magkasama ang dalawa sa pelikulang “Extra Service” under Star Cinema at Skylight Films at sa presscon nga ng movie last Sunday ay kitang-kita ang pagiging komportable nila habang sumasagot sa tanong ng press.
Una silang nagkasama sa seryeng Passion de Amor kung saan nga na-develop ang kanilang friendship together with their co-stars Coleen Garcia and Ellen Adarna nga na niligawan noon ni Ejay.
Sa mediacon ng “Extra Service” tila may mga impormasyon silang ayaw mabuking. Tinukso-tukso ni Arci si Ejay na obviously ay private joke sa kanila ni Ellen. Halatang natensyon ang aktor nang magsimula nang manukso si Arci. Mukhang marami nga kasing alam si Arci tungkol sa naging relasyon ng binata kay Ellen.
Well, basta ang “Extra Service” ang opening salvo ng Skylight Films at Star Cinema ngayong 2017. Isa itong adult sexy-action-comedy na idinerek ni Chris Martinez. Mala-Charlie’s Angels daw ang peg ng pelikula kaya siguradong mag-eenjoy ang viewers.
Makakasama rin dito sina Coleen Garcia, Jessy Mendiola, Enzo Pineda at Vin Abrenica. Showing na ito sa mga sinehan on Jan. 11.