Nangangamba ang nakararaming Pilipino na maging biktima o mayroong kakilala na maging biktima ng Extra Judicial Killing at naniniwala rin ang nakararami na mahalaga na buhay ang mga suspek na sangkot sa bentahan ng ipinagbabawal na gamot, ayon sa survey ng Social Weather Stations (SWS).
Nagpahayag na ‘Talagang Nangangamba’ ang 45 porsyento at 33 porsyento ang nagsabi na ‘Medyo Nangangamba’ sila.
Nagsabi naman ang 12 porsyento na talagang hindi sila nangangamba at 10 porsyento ang nagsabi na medyo hindi nangangamba sa EJK.
Tinanong rin ang mga respondents: “Sa pagtupad ng kapulisan ng kanilang tungkulin sa kampanya laban sa illegal na droga, gaano ka-importante na mahuli nila nang buhay ang mga taong pinaghihinalaang kasabwat sa illegal na droga?”
Sumagot ang 71 porsyento na ‘talagang importante’ ang buhay ang mga suspek, at 23 porsyento ang nagsabi na medyo important.
Nagsabi naman ang 5 porsyento na medyo hindi importante at isang porsyento ang sumagot ng talagang hindi importante.
Nasisiyahan naman ang mga Pilipino sa kampanya ng gobyerno laban sa ipinagbabawal na gamot.
Nagsabi ang 53 porsyento na sila ay nasisiyahan at 30 porsyento ang medyo nasisiyahan.
Medyo hindi nasisiyahan ang limang porsyento at tatlong porsyento ang lubos na hindi nasisiyahan. Undecided naman ang pitong porsyento.
Sumang-ayon naman ang nakararami na malaki ang ibinaba ng problema ng ipinagbabawal na gamot sa bansa ng maging pangulo si Duterte.
Walumpu’t walong porsyento ang nagsabi na totoo na bumaba ang problema sa droga, tatlong porsyento ang hindi naniniwala at siyam na porsyento ang undecided.
Kinuha ng SWS ang opinyon ng 1,500 respondents noong Disyembre 3-6. Mayroon itong error of margin na plus/minus 3.
30
SWS: Pinoy natatakot sa EJK, drug suspect dapat buhay
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...