Niyanig ng lindol na may lakas na magnitude 3.7 ang Occidental Mindoro kahapon ng tanghali.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology naramdaman ang lindol alas-12:57 ng tanghali.
Ang sentro nito ay 17 kilometro sa kanluran ng Paluan, Occidental Mindoro. May lalim itong 34 kilometro at sanhi ng paggalaw ng tectonic plate sa lugar.
Naramdaman ang Intensity II sa Tagaytay City. Ang instrumento ng Phivolcs ay nakapagtala rin ng Intensity II paggalaw sa Puerto Galera sa Oriental Mindoro.
MOST READ
LATEST STORIES