Sharon seksing-seksi na, ‘all natural diet’ epektib

 

MULING ibinandera ni Megastar Sharon Cuneta ang kanyang slimmer figure sa social media. In fairness, mas pumayat pa nga ngayon ang singer-actress kaya masasabing effective ang pinagdaanan niyang weight loss program.

Sa kanyang social media account ipinost ni Mega ang kanyang litrato with her strapless, dark blue dress kung saan makikita ang kanyang payatolang katawan. Kuha ito sa pictorial Your Face Sounds Familiar Kids where she will be one of the hurados

Sey ni Mega sa caption ng photo, “This is [an] unretouched, unedited photo, okay?”

Kung matatandaan i-namin ni Sharon na talagang kinarir na niya ang pagpapapayat para na rin sa kanyang sarili at sa loyal Sharonians, “I did what I had to do. Kasi nu’ng napanood ko iyong sarili ko sa birthday special ng ‘ASAP’ for me, I was shocked. I felt small.

“I never let my physical obstacles that I had been carrying on my back — I never let those define me. Pero nahiya ako sa fans ko. As an actress, you’re supposed to keep yourself looking like a leading lady and apparently I had really crossed the line. And that was a real wake-up call,” ang pahayag ni Sharon noon sa isang panayam.

Inamin din ni Mega na sumailalim na siya sa iba’t ibang diet programs at liposuction pero hindi raw ito naging effective sa kanya. Hanggang sa i-try na niya ang “all-natural” procedure.
“I wanted to challenge myself. I said, ‘Can you do it? Yes, you can. Test your willpower. You know who you are inside. You’ve been through things worse than this. Taba lang ito!” aniya pa.

Read more...