Braso, bilbil ni Karla bidang-bida sa x-mas special ng ABS-CBN; inokray ng fans ni Enrique

KARLA ESTRADA

KARLA ESTRADA

TEXT ng isang anak-anakan namin, “’Nay, nanonood ka ba ng Christmas Special ng ABS-CBN? Watch ka, tingnan mo kung gaano kasyuba si Karla Estrada!” Salamat, salamat, Bhoyzee Caragay.”

Nag-switch kami ng channel, umalis muna kami sa HGTV, nasa gitna ng entablado sina Karla Estrada, Jolina Magdangal at Melai Cantiveros, nagho-host sila, kapansin-pansin nga ang sobrang laki ng nanay ni Daniel Padilla.

Pagdikitin man ang katawan nina Jolina at Melai ay mas malapad pa rin si Karla, nakaumbok pa ang kanyang sobrang yaman na bilbil, tama ang punto ng mga tagahanga ni Enrique Gil na unahin munang asikasuhin ni Karla ang kanyang katawan bago ang paninira sa kanilang idolo.

Hindi namin alam kung bakit lumapad nang husto si Karla, nakakapagpalapad ba ng katawan ang mga biyayang dumarating sa kanilang pamilya dahil sa anak niyang si Daniel Padilla?

Palagi bang nakatambay si Karla sa kanilang kusina? Kung bakit naman ipinalabas pa ang Christmas Station ID ng Dos, naka-sleeveless pa si Karla, kaya kitang-kita ang mga nagmumura niyang braso sa laki.

Nalilibang yata ang nanay ni Daniel sa kakakain, mas interesado kaming bigyan ng malasa-kit ang kanyang kalusugan, makasasama sa kanya ang sobrang pagtaba.

Sabi pa ng isang miron, “’Yun ang dapat niyang tinatanggal, ang mga taba-taba niya sa katawan, hindi si Quen na kasama sa group picture, pero tinanggal niya sa ipinost niyang picture!”

Read more...