Kailan susuwertehin sa pag-ibig?

Sulat mula kay Pauline ng San Agustin, Libon, Albay
Dear Sir Greenfield,
Hindi nyo po naitatanong malungkot po ang buhay ko lalo na sa pag-ibig. Tatlong beses na po akong nagkaka-boyfriend, ang problema bakit kaya walang nagtatagal at ang laging natitira na lang sa akin ay luha at kalungkutan. Lagi na lang nila akong iniiwan sa hindi ko malamang dahilan. Kaya nais ko po sanang malaman kung kailan kaya ako susuwertehin sa pag-ibig? September 8, 1992 ang birthday ko.
Umaasa,
Pauline ng Libon,
Albay
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Iisa lang ang malinaw at kitang-kitang Marriage Line (Illustration 1. arrow 1.) sa iyong palad pero may mga island o bilog ang Heart Line (2-2 h-h arrow 2.). Ibig sabihin bagamat may mga problema sa nakaraang pakikipag-nobyo, wala namang kaugnayan ang mga nakaraang ito sa pakikipag-relasyong itinakda ng kapalaran na hahantong sa pag-aasawa, na nakatakdang mangyari at maganap sa susunod na taong 2017.
Cartomancy:
Queen of Spades, Queen of Clubs at King of Clubs ang ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing kahit na nagkanda bigo-bigo ka sa una hanggang sa ikatlong pakikipag-relasyon tiyak namang sa ikaapat hatid ng isang lalaking halos kasing edad mo rin may pa-ngako ng isang tapat, maligaya at pang habang buhay na pag-ibig.
Itutuloy…

Read more...