Mocha tinawag na bugok ang gumawa ng ‘savogue’ magazine; pinagtripan si VP Leni

 

NAGLABAS ang UP ng satire magazine which poked fun on Mocha Uson.

“Get ready to drop dead gorgeous, if this drug war hasn’t killed you already! In our pioneer issue of SaVogue, we bring you the hippest trends in the fashion world and life hacks as told by the poli-celeb icons of the 21st century.

“Grab your copies now during the UP Diliman Lantern Parade! #UPRepxKulê #SaVogue.”
That was the caption na nakita namin sa Mocha Uson blog.

Obviously miffed, lalo pa’t one item sa magazine read: “The Struggles that Unite Every Woman, Mocha Puson”, nag-react ang infamous singer-turned writer-writeran.

“Sunod sunod na naman ang tira nila sa atin mga kaDDS. Ngayon naman mula sa UP. Pero siyempre ang argument nila SATIRE lang. At binalita pa ito ng GMA News siguro they consider this newsworthy.

“Ganito kasi yan pag sila ang naglabas ng paninira sasabihin lang nilang SATIRE pero pag tayo na ang babanat it’s either FAKE NEWS or BULLYING.

“Eh kung maglabas kaya ako ng meme na si LENI buntis at lagyan ko ng SATIRE sa caption. Ano kaya masasabi ng mga BUGOK?”

That was Mocha’s reaction na naka-post sa kanyang Facebook account.

Read more...