Jennylyn-Gil loveteam may magic; pinakilig agad ang mga Kapuso

jennylyn mercado at gil cuerva

INILABAS na ng GMA Network ang mga pasabog nilang drama series sa unang quarter ng 2017 sa 24 Oras last Friday.

Nangunguna rito ang Destined To Be Yours na pagbibidahan ng phenomenal loveteam na sina Alden Richards at Maine Mendoza. Ipinakita na ang teaser nito at malakas ang dating sa viewers, huh! On location sa Quezon province ang taping nito.

Ang isa pang series ay ang Meant To Be ni Barbie Forteza kasama ang bagong Kapuso leading men na sina Ken Chan, Jack Roberto, Addy Raj at Ivan Dorschner. Jackpot si Barbie sa apat na guwaping niyang kapareha.

Lastly, ang My Love From The Star ni Jennylyn Mercado at ang baguhang si Gil Cuerva. In fairness, base sa maikling teaser ng kanilang series malakas din ang chemistry ng bagong Jen-Gil loveteam, huh!

Read more...